English | Filipino
Ang Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ay ang pangunahing natural na atraksyon ng Lungsod ng Masbate, sa Probinsya ng Masbate. Ang sandbar, o ang bahura, ay matatagpuan isang kilometro mula sa dalampasigan ng Isla ng Masbate at ito ay madaling mapupuntahan sa pamamagitan ng isang arkiladong bangka. Ipinagmamalaki ng Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ang maputi at pino nitong buhangin at ang napakalinaw nitong tubig, kaya naman dinarayo ito ng maraming turista.
Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar | Larawang ibinahagi ni IG user @rob_tiu |
Bilang isang marine sanctuary, ang pangingisda at iba pang kahalintulad na gawaain ay mahigpit na ipinagbabawal dito. Ang pagpasok ng mga tao dito ay limitado lamang sa turismo. Ang dating bahura na walang habas na sinisira dahil sa dynamite fishing, ngayon ay isa nang eco-tourism zone na nagbibigay ng alternatibo kabuhayan sa mga mangingisda na sila nang nangangalaga upang maproteksyunan ang lugar na ito.
Ang Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ay bukas para sa mga turista mula Lunes hanggang Lingo. Ang pangunahing cottage ay nagsisilbing registration area para sa mga dumarating na bisita. Mayroon ding tindahan dito na nagbebenta ng mga meryenda at inumin. Pinapayagan kayong magdala ng pagkain dito kung nais nyong ditong mag-agahan o magtanghalian. May mga kubo at lamesa rin na maaari ninyong rentahan.
Paano makapunta sa Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar
- Kontakin si Mr. Jojo Soria (09204338512 /09179277660) ng Samahang Mangingisda ng Puro-Sinalikway (SAMAPUSI) upang asikasuhin ang inyong rerentahang bangka.
- Ang bayad sa bangka para sa balikang biyahe ay ₱500 (para sa 1-4 katao) o ₱800 (para sa 5-14 katao).
- Pumunta sa Rendezvous Beach Resort kung saan naroon ang inyong sasakyang bangka papuntang Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar.
- Ang registration fee ay ₱20 kada tao.
Nakapunta ka na ba sa Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar o iba pang atraksyon sa Probinsya ng Masbate? Alin ang inyong pinaka-nagustuhan? Ibahagi ang inyong mga foto sa Instagram at gamitin ang hashtag na #PinasMuna.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento