Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Masbate. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Masbate. Ipakita ang lahat ng mga post

Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar

Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar sa Masbate, Pilipinas
English | Filipino

Ang Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ay ang pangunahing natural na atraksyon ng Lungsod ng Masbate, sa Probinsya ng Masbate. Ang sandbar, o ang bahura, ay matatagpuan isang kilometro mula sa dalampasigan ng Isla ng Masbate at ito ay madaling mapupuntahan sa pamamagitan ng isang arkiladong bangka. Ipinagmamalaki ng Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ang maputi at pino nitong buhangin at ang napakalinaw nitong tubig, kaya naman dinarayo ito ng maraming turista.